Uber Manila Issued ID Is Coming
8:08 PMIn case you missed the news, Uber Manila will be issuing it's partner-drivers and drivers a valid issued ID when driving for Uber Manila.
What does this mean? Well, this will serve as a proof that you are a registered with Uber and in accordance with the LTFRB you need to have an Identification when you are driving passengers around the serviceable area of Uber Manila.
How to get your Uber ID?
Check your email address if you haven't received one, check your spam folder. Usually, your email provider will mark it as a spam.
Frequently Asked Questions
- Kailan ma-dedeliver ang aking Uber-issued ID? Naka-depende ang delivery date ng iyong ID sa pag-sagot mo ng form sa taas. Kapag na-confirm mo na ang iyong address, makakukuha ka ng confirmation email with the date of delivery at ng iyong delivery address. Magsisimula ang mga deliveres mid-April 2017.
- Anong address ang dapat kong ilagay sa form? Maaari kang maglagay ng kahit anong address na madali at malapit sa iyo. Pwede rin na ibang tao ang tatanggap ng iyong ID pero siguraduhing may scanned copy sila ng iyong valid government-issued ID at letter of authorization mula sa'yo.
- Driver ako under an operator, kaninong address ang dapat kong ilagay sa form? Mas mainam na ilagay mo ang pinakamalapit na address sa iyo, lalo na kung ikaw mismo ang nagmamaneho ng kotse.
- Paano kung wala ako sa address para tanggapin mismo ang ID? Maaari na ibang tao ang tatanggap ng iyong ID para sa'yo pero siguraduhing may scanned copy sila ng iyong valid government-issued ID at letter of authorization mula sa'yo.
- Kailangan bang i-display ang Uber-issued ID sa aking kotse? Hindi kinakailangan ng LTFRB regulations na i-display ang Uber-issued TNVS ID sa iyong kotse ngunit bilang bahagi ng regulations, dapat palagi mong dala ang iyong ID.
- Kailangan ko bang ipa-renew ang aking Uber-issued ID? Hindi mo kailangan i-renew ang iyong ID. Isang beses mo lang kailangan kunin ang iyong ID. Naka-depende ang validity nito sa pagda-drive mo sa Uber platform.
- Paano kung nawala ko ang aking Uber-issued ID? Kung nawala mo ang iyong ID, maaari kang magpa-request ng bagong ID sa pagsagot ng form na makikita sa iyong email. May Php 300 replacement fee na ibabawas sa iyong weekly payment statement.
0 comments